Ang Pilipinas, na binubuo ng daan-daang mga pulo ay isa ring tahanan sa napakaraming mga tribo na minsay inukupa ang buong Pilipinas sa iba't-ibang sulok nito, sa kagubatan, tabing-dagat at sa nga lugar na naaayon sa kanilang pangangailangan.
Ngunit ito ang sitwasyon ng bansa bago dumating ang kolonisasyon, dahil sa urbanisasyon ng Pilipinas, maraming mga tribo na siyang mga orihinal na mga tao sa Pilipinas ang napaalis sa kanilang mga tirahan at ang iba naman ay tuluyang naglaho.
Ilan sa mga maraming tribo ng Pilipinas na nakisabay sa urbanisasyong dala ng mga mananakop ay ang Bontoc Ifugao na nanirahan sa Bulubunduking Probinsya (Mountain Province) mula pa noon. Sila ay tribong ang pangunahing gawain ay pangangaso upang makakain, marahil dahil silay nasa kabundukan at ang pangangaso ay nakita nilang solusyon sa kanilang pangangailangan.
Isa sa mga pinaka-orihinal na katangian ng tribong ito ay ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang pinagmulan, maipapakita ito sa kanilang tradisyong pinahahalagahan hanggang ngayon na kapag nanganganak ang asawa ng Bontoc Igorot, ang ama ay ibinabaon ang placenta ng bagong panganak na bata sa ilalim ng kanilang bahay. Dito daw maipapakita kahit saan pa sila mapunta, may mababalikan silang lugar kung saan ang kanilang pinanggalingan at iyon ang kanilang mga magulang sa kanilang tahanan.
Ang mga tattoo noong panahon ay ibinibigay lamang sa mga pangunahing mangangaso ngunit ngayon ito na lamang ay mga palamuti sa katawan ng mga modernong bontoc marahil dahil kumapit na sila sa modernong panahon na hindi na sila umaasa sa pangangaso upang mabuhay.
Sa kanilang pananamit, ang babae at ang mga lalake ay walang damit na pang-ibabaw noon ngunit ngayon, ang mga Bontoc ay nagsusuot na ng maong na pantalon at t-shirt lalo na kung pumupunta sa siyudad o mga salu-salo. Ito ay nagpapakita na nakikiayaon sa pagbabago ng panahon ang mga Bontoc.
Ngunit ang ganitong pakikiayon ay nagbibigay ng problema sa mga Bontoc. Ito ay dahil nagkakaroon ng hirap ang mga Bontoc sa pagbalanse ng kanilang pagpapanatili ng pagkatao o pagkakakilanlan bilang isang Bontoc habang nakikiayon rin sa modernong pamumuhay at sa pakikisalamuha sa iba't-ibang tao na iba-iba ang kultura.
Upang mapanatili ang kanilang kultura at matutuhang mapahalagahan din ang ibang kultura, ang edukasyon ay kailangan. Ito rin ay upang mawala ang mga panghuhusga agad sa ibang kultura at pagkakaroon ng pagkakaintindihan. At ito ay magbibigay daan sa pagpanatili at pagyaman ng kultura, hindi lamang ng mga Bontoc, kundi na rin ang buong kultura ng Pilipinas .
Isang patunay nito ay ang pagkakasama sa 10 Outstanding Students of the Philippines ni Jhay Sapdoy, isang BS Secondary Education cum laude, na isang estudyanteng kabilang sa mga Bontoc Ifugao. Siya rin ay pinarangalang bilang Student Teacher of the Year ni Dr. Nieves Dacyon, Presidente ng Mountain Province State Polytechnic College (MPSTC), ang institusyon kung saan siya nag-aral ng kolehiyo. Ito lamang ay nagpapatunay na sa edukasyon, kahit sinuman ay puwedeng umangat kung siya ay magsisikap.
7/29/2008
Ang mga Bontoc Ifugao sa Mountain Province
kami 'to!! LuzvimiNdA 1 reaksyon
Subscribe to:
Posts (Atom)