Lingid sa kaalaman ng napakaraming mamamayan, ang Leyte ay minsang naging saksi sa napakaraming mga napakahalagang pangyayaring naging dahilan ng pagbabago sa buhay ng mga natural na mga Pilipino ngayon.
Hindi man masyadong napapansin sa mga libro ng Kasaysayan, napakalaki ng naging bahagi ng Leyte sa kasaysayan ng Pilipinas... kaya sa pamamagitan ng aming blog entry na ito, nais naming maibahagi sa mga mambabasa ang ganda ng napakahalagang kasaysayang tinatago ng Hilagang Leyte.
Dahil na nga rin sa kakulangan ng aming panahon, aming ipakikilala sa inyo ang ganda ng
Leyte Provincial Capitol.
Hindi lamang ang gandang panlabas ngunit pati na rin ang yaman ng kasaysayang ikinukubli nito.
Nasaan ang Leyte Provincial Capitol?
Ang Leyte Capitol ay nasa Kalye Senator Eñage na nasa tapat ng Unibersidad ng Pilipinas dito sa Tacloban. Sa kasalukuyan, ito ay ang lugar ng pamahalaang provincial dito sa Leyte (seat of the Provincial Gpovernment). Binuo noong 1907, ito ay naging lugar kung saan itinayo ang kaunaunahang Commonwealth Government ng Pilipinas sa pagbabalik nila Sergio Osmeña at Heneral Mac Arthur mula Amerikano.
Sa unang isip, nagpasya ang aming grupo na i-feature ang Leyte Capitol dahil sa may koneksyon ito sa pagkakabuo ng pamahalaang Pilipino.
Ang Kapitolyo at ang Kasaysayan
Kung ating maaalala, umalis si Heneral Mac Arthur ng Pilipinas upang humingi ng karagdagang tulong upang tuluyang mapalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapones, na noong panahong iyon ay nagtagumpay sa kanilang giyera laban sa puwersa ng mga amerikano sa Bataan.
Matapos matalo ang USAFFE forces, umalis ang Heneral kasama sina dating Presidente Sergio Osmeña at dating Presidenteng Manuel Quezon papuntang Amerika.
Dala ang pangakong: " I shall return.", sila'y nagbalik sa Pilipinas noong ika-20 ng Oktubre, 1944 at pinalaya ang Pilipinas sa pamamagitan ng isang labanang nagpatalo sa mga Hapones.
Noong malaya na ang Pilipinas, itinayo na ang Commonwealth Government upang magkaroon ng sentralisadong Gobyerno ang Pilipinas sa tulong ng Amerika.
At ang lugar kung saan unang naitatag ang Commonwealth ay wala nang iba kundi sa Leyte Provincial Capitol! Ito nagsilbing tahanan ng Gobyerno ng Pilipinas mula ika-23 ng Oktubre, 1994 hanggang ika-27 ng Pebrero, 1945.
Sa madaling sabi, Ang Leyte Capitol ay ang naging dating "Malacañang." (Hindi ba nakakatuwa at nakabibigla? Isipin mo nalang ang kahalagahan ng lugar na ito, lalo na noong panahon ng mga Amerikano... na-iimagine pa namin sila Mac Arthur na naglalakad-lakad upang magpahangin sa labas ng Kapitolyo).
Ang Kapitolyo Ngayon
Hindi kagaya noon, ang Probinsyal na Gobyerno na lamang ang namamahala sa nasabing Kapitolyo. Makikita sa harapan ng istruktura ang mga bagay na agpapaalala sa kada dumadaan ng kasaysayan tulad ng mga istatwa nila Lapu-lapu at mga inukit na mga larawan.
Makikita sa larawang ito ang isang inskripsyong pinaka-iingatan ng mga namamahala ng Kapitolyo, nakalagay dito ang maikling deskripsyon kung ano ang naiambag ng lugar sa Kasaysayan ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan, ito ay nakalagay sa harapan ng Kapitolyo... handang magpaalala sa mga bumibisita sa lugar:
Sa mga bumibisita, imposibleng hindi nila makita ang dalawang napakalalaking mga nakaukit na larawan sa dalawang ding-ding ng harapan ng Kapitolyo.. wala man ang mga ito sa orihinal na istruktura, idinagdag ito upang mas madaling maipahayag sa mga tao ang kasaysayan ng lugar.
Sa larawang ito, makikita ang pagdiriwang ng unang misa sa Pilipinas sa Limasawa:
Ito ang hagdan patungong taas ng Kapitolyo. Isipin mo nalang sila Dating Presidenteng Sergio Osmeña na naglalakad sa hagdang iyan... napakamakasaysayan nga naman. Iyan kami sa aming daan patungong itaas:
Sa kasalukuyan, ginawan nila ng isang museo ang ikalawang palapag, maliban sa pagiging opisina ng Gobernador at iba pang mga Opisyal:
Sa kabuuan, hanggang diyan lamang ang aming nakita sa pinagpipitagang Kapitolyo ng Leyte. Limitado man ang kakayanan naming magbahgi ng nasasabing pruweba ng kasaysayan at ng pagpreserba nito ng mga nanunungkulan, marahil ay mas mabuting bisitahin natin ang Kapitolyong harap-harapan (isama na ang napakarami pang mga makasaysayang lugar na naririto sa Leyte) at alaahanin ang kahalagahang nagawa ng mga ito sa pagtatatag ng pamahalaang Pilipino at ng kasarinlan ng Pilipinas.
(Ang aming mga panayam sa mga taong aming naabutang naglalakad-lakad sa lugar at sa mga tagabantay ng paligid ay mababasa post bago ito...)