CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

9/14/2008

Sa.La.Ma.T.

Kung kami ay magiging mga modernong rebolusyonista, kami ay magiging ang rebolusyonistang Sa.La.Ma.T. o ang Samahan Laban sa Maling Paggamit ng Teknolohiya.
Alam nating napaka-rami nang namatay dahil sa kanilang mga ipinaglalaban sa buhay ngayong modernong panahon ngunit sa ating mga nakikita, wala naman talagang napakalaking epektong nagagawa ang mga pagtulo ng dugo kundi ang kasayangan ng buhay na maaari sanang magamit para sa pagtulong sa iba.

Kaya naniniwala kaming kailangan nating gamitin ang modernong paraan upang makamit ang aming inanais... isang mapayapang paraan upang malabanan ang maling status quo at maiahon kung ano ang tama para sa nakararami.
Kami ang mga modernong rebolusyonista ng makabagong Pilipinas. Lumalaban kami hindi sa pamamagitan ng mga bolo at itak ngunit ginagamit namin ang mapayapang paraan upang maibahagi ang aming mga hinaing at maisaayos ang mga nais naming baguhin, dahil kung iisipin hindi talaga gagana kung gagamit kami ng lakas... anim kami laban sa napakaraming baril ng militar siguro hindi kami magtatagal. At kung tutuusin kung magiging masamang ehemplo kami, sino nga ba ang maniniwala na mabuti ang aming pinaglalaban?
Saksi ang aming grupo sa paslawak ng epekto ng teknolohya sa ating bansa at ang pagkalat ng epekto nito sa mga kabataan kaya nais naming maidirektang muli ang bagong henerasyon na iniligaw ng teknolohiyang naaabuso.
Masyado mang malawak ang scope ng aming pangalan, isinisentro namin ang aming nais sa pagpapaalis ng mga computer games sa mga serbisyo ng mga internet cafes. Computer games tulad ngmga DOTA, FlyFF, Counter Strike atbp.

Dahil sa ngayon napakaraming Elementary at High School students ang hooked sa mga computer games na nasa mga internet cafes na naglipana kung saan-saan.

Ang epekto nito? Ito ang iilan:
1. Marami ang mga hindi na pumapasok sa kanilang mga klase. Siguro internet cafe na ang kanilang classroom at sila na ang guro dahil tinuturuan nila kung saan pupunta ang karakter nila. 2. Napaka-rami din na pumapasok man, eh Counter Strike naman ang iniisip... iniimagine nilang ginagamitan nila ng Sniper ang kanilang guro dahil nakaka-antok. Ang iba naman kulang nalang iyon ang isagot dahil halos sa lahat ng kanilang mga bakante eh Flyff ang pinag-uusapan.
3. Marami rin namang sobra ang pagkaadik eh ginagaya ang mga nakikita sa mga kompyuter.
4. Higit sa lahat... napaka sayang ng perang kanilang ginagasto para sa mga larong iyon. Aminin, may ilang kumukupit pa ng pera para lang ma-level-up ang kanilang mga karakter, ang ilan naman, madami ngang perang pwedeng gamtin pero sinasayang lang talaga ito.. napakarami naman kasing pwedeng paggamitan.

Ngunit ano nga ba ang ginagawa ng gobyerno dito? Siguro nga isang mata palang ang bukas nila dahil ang kanilang mga ipinapatupad na mga batas eh ghindi gaano ka-epektibo at hindi naman talaga naaabot ang kanilang nais na maatim. Napakarami ng namang hindi sumusunod sa pagbabawal ng mga minors tuwing oras ng pasok hindi ba? At ang pagpapalayo ng mga Internet Cafe 200m mula sa eskwelahan... oo maganda ngang ilayo ito ngunit epektibo nga rin ba? Siguro natutulungan lang nitong makatakas ang mga estudyante na madalas eh hindi na pumapasok dahil na nga rin mas malayo ang mga computer shops at wala sa kanilang ibang makakakita.

Marahil ay naguguluhan na kayo sa aming mga pinagsasasabi kaya't kung kami ay mga modernong rebolusyonista... ito ang aming mga layunin:

1. Maisaayos ang pag-aaral ng mga estudyante at matanggal ang ahat ng mga distraksyon na nagbibgay ng mga di-kanais nais at mgakarumaldumal na epekto sa modernong henerasyon... Dahil ang libangang tinatawag ay ang nagiging sariling mundo kung saan walang ibang nakakapasok maging ang karunungan.

2. Maitanggal ang mga Online Games sa mga serbisyong ibinibigay ng mga Internet cefes na nagkalat kahit saan tulad ng mga Flyff, Crazy Cart at iba pang nagiging dahilan ng mga nasabing epekto upang maiwasan ang mga patuloy na pagkatuto ng mga kabataan at pagdami ng mga naadik dito.

3. Mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante lalung-lalo na sa elementarya at hayskul sa mga masamang epektong naidudulot ng mga nasabing mga laro.



Paano nga ba?

Kung kami ay magiging modernong rebolusyonista... ito ang aming magiging mga karakter na gagampanan sa aming grupo:

Gobernador Heneral: Clyde
Tagapagsalita: Lourdes
Direktor ng Kagawarang panloob at panlabas: Lando
Kagawarang Pinansiyal: Theo
Mai-mai
Tagapangasiwa: Paulo

Unang Paraan
Alam naming napakalaki ng bansang Pilipinas at batid naming ang paraan upang madaling makarating sa pangkalahatan ang aming mga plano ay ang pagpasok sa gobyerno at ang paggawa ng batas.
Ito ang trabaho ng aming Gobernador Heneral kung saan siya ay gagawa ng isang party-list sa eleksyon upang kung makapasok man, maipahayag na namin ang aming mga hinaing at mga suhestiyon. Kakalap siya ng mga miyembro at mangangampanya dala ang aming ngalan at adhikain.
Sino nga ba ang boboto sa amin? Ang mga magulang na concerned sa kanilang mga anak, ang mga gurong naaapektuhan... napakaraming mga taong alam namin ay susuporta sa aming adhikain.
Kung saka-sakali mang mahalal, ang kauna-unahang gagawin ay ang pagpasang bill na magtitigil sa mga internet cafe na magpalaro ng mga online games sa pamamagitan ng paglalagay ng firewall sa mga units.

Alam naming walang kasiguraduhan ang mund ng eleksyon at kung mahalal man eh matagal din ang hihintayin bago ito maaprubahan... sa mga panahon na ito, hindi nalang kami uupo-upo nalang...

Pangalawang Paraan
Isa sa aming mga layunin na maipaabot sa kabataan ang mga bagay na kailangan nilang malaman, pati na rin sa mga magulang na maaaring naaapektuhan ng ganitog mga bagay. Ang aming Kagawarang Panloob at Panlabas ay naglalayon ng indirektang paraan para mailaganap ang mga impormasyong tulad nito.
Sa pamamagitan ng mga koneksyon, maaari kaming:

1. Maglathala sa Diyaryo at magsulat ng mga kolums paera sa mga magulang at mga kabataan.
2. Magpalabas ng interview sa telebisyon sa pamamagitan ng aming tagapagsalita.
3. At gumawa ng mga patalastas sa radio.

Ang lahat ng ito ay nagpapakita ng mga indirektang aksyon.

Ikatlong paraan
Sa pamamagitan ng aming tagapangasiwa at sa suporta ng kagawarang pinansiyal, maaari kaming magsaayos ng mga sesyon sa bawat paaralan sa aming lokalidad sa pamamagitan ng pagsusulat sa punong-guro ng aming mga layunin ng pagpunta sa kanilang eskwelahan(elementarya at hayskul) .
Maglalagay kami ng mga miyembro sa bawat eskwelahan na magsasaayos ng konferens sa bawat estudyante... planoring hatiin ang bawat klase... ibabahaginamin ang mga naglalaro ng online games at ang mga estudyanteng hindi.
Ang mga estudyanteng naglalaro ay isasailalim sa counselling at ang mga hindi ay magkakaroon ng mga pagtatalakay.

Upang masigurado ang epektong nais naming maatim... gagawa ng mga follow-up na mga sesyon.

note: hindi man napakalawak ang aming magagawan ng ganitong proyekto... sa pamamagitan ng pagkalap ng mga miyembro ay mapapalawak namin ang aming mga lugar na mapupuntahan at dadaminrin ang aming matutulungan.

Sa panahong napakaraming distraksyon ang nararanasan ng ating mga kabataan, panahon na ring maiwasan pa ang patuloy na paglaganap at paglala ng ganotong sitwasyon. Ito ang linalayon ng aming grupo.
Maging totoo man ito, balang araw magpapasalamat sila sa rebolusyonistang Sa.La.Ma.T. sa aming mga magagawa.









3 reaksyon:

Rhemia Lee Pabelico said...

Bilang isang dating pro-gamer (professional gamer) na hangad lamang ay malibang, naging malaking tulong sa akin ang paglalro ng online gaming. Pero ang talamak na pagkahumaling ng mga kabataan sa elementarya at hayskul ay nangyayari talaga sa mundo ng internet gaming.

Maganda ang inyong mga panukala at sa tingin ko ay pinag-isipan ng inyong grupo ang inyong napiling "causa".

Ang pagkalulong sa internet gaming sa mga kabataang impresyonable at nahihirapang kontrolin at disiplinahin ang kanilang mga sarili ay hindi lamang na ngangailangan ng interbensyon ng pamahalaan kung hindi ng higit na panahon at atensyon ng kanilang mga magulang.

Ang pamilya bilang pinakamahalagang yunit ng ating lipunan ay higit na makapangyarihan sa paghubog sa moral at personal na aspeto ng isang tao. Ang ating mga henyo at bayani ay hinubog ng pagmamahal at paggabay ng kanikanilang pamilya at magulang. Ang ibang institusyon ay hindi magiging mabisa sa pagkontrol ng problema kung ang buhay pang-pamilya ay hindi naisasaayos.

Ang marka ninyo para sa blog entry na ito ay 1.0 o 20/20. Ipagpatuloy.

Dora the Explorer said...

guyz ang galing nio! woo! palakpakan!

Mga Lutuing Pinoy - Recipe said...

tama kayo, dapat controlin ang mga bata elementary at highschool dito nga sa mogpog, marinduque isinama pati college may tamang kaisipan kaya ang nagsabatas ng ordinansang ito. Sa totoo lang tama kayo, sana naman fair ang laban... dapat bisitahin naman ng mga kinauukulan ang mga komputeran. kami sumusunod. at dapat talaga kumilos ang mga kinauukulan upang maeducate ang mga magulang sa kanilang tungkulin sa kanilang mga anak.

at dapat may karanasan ang mag advise, may malawak na kaisipan at pasensya.