Nang masakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, hinawakan nila sa leeg ang mga Pilipino. Nagging makapangyarihan ang mga Espanyol ng 300 taon. Ang labis na kapangyarihang ito ay nauwi naman sa pansasamantala at pang-aabuso. Dahil naman sa mga pang-aabusong ito ay napukaw ang mga Pilipino. Maraming mga rebolusyon ang ginawa ng mga Indyo laban sa Espanya. Hindi bababa sa 100 na rebolusyon ang ipinaglaban ng mga Pilipino.
Isa sa mga rebolusyon ito ay ang pag-aaklas ng mga Igorot:
LABAN NG MGA IGOROT !
Ang hayag sa mga kasaysayan na aklasan ng mga Igorot nuong 1601 ay hindi gawa-gawa ng mga Igorot, ang tawag ngayon sa mga taga-Cordillera. At hindi sa bulubundukin ng Cordillera nag-aklasan kundi sa bundukin ng Caraballo Sur - sa timog ng Pantabangan, ang magubat na lawa na tinawag dating kalakihang Pampanga na ngayon ay isang nayon sa lalawigan ng Nueva Ecija. Mali rin ang sabihing aklasan ang naganap sapagkat hindi pa sakop ang mga tagaruon. Katunayan, ang patayan ay pagharang sa pagpasok ng mga Español sa Caraballo. Hindi na matunton kung sino ang nagparatang at kailan sinisi ang aklasan sa mga Igorot, subalit nuon, ang tawag sa mga tagaruon ay Tinggian mula sa tinggi o mataas sa wikang Malay at, tulad sa Igorot, ibig sabihin ay tagabundok. Mula kailan lamang, itinangi ang Tinggian sa mga Itneg, ang mga taga-ilog Tineg sa lalawigan ng Abra. Sa kabilang dako, hanggang nuong bandang 1790 - may 30 taon pagkatapos ng himagsik ni Diego Silang - ang tawag ng mga taga-Ilocos sa lahat ng tao sa bandang timog nila, pati sa mga taga-Pangasinan at mga taga-Caraballo, ay Zambal.Itong pangalan ang ginamit ng mga pinuno at mga prayle sa Manila nang pag-usapannuong bandang 1600, may 30 taon pagkapasok ng Español sa Pilipinas, ang patuloy na pagtambang at pagpugot ng mga Zambal sa mga prayle at katolikong Pilipino na patungo o nanggaling sa Ilocos. Winawasak pa ang mga reduccion, mga baranggay na itinatag ng mga prayle upang tahanan ng mga Pilipinong katoliko na, at pinapatay o inaalipin lahat ng matagpuan duon.
Nuong Deciembre 1606, sumang-ayon ang mga prayle sa napagkasunduan ng mga pinunong Español, at nanawagan sila sa mga taga-Pampanga at Ilocos na sugurin ang mga Zambal at gawing alipin ang lahat ng mabihag nila - bagay na ipinagbawal ng hari ng España at ng Consejo de las Indias sa Madrid. Inulit nuong 1609 ng hari at consejo ang pagbawal gawing alipin o mag-ari ng alipin ang sinuman sa mga sakop ng España. Napigil ang patakaran ng pag-alipin at pagsalanta sa mga Zambal subalit nuong bago pa inulit ang pagbawal. Katunayan, bago pa nanawagan ang mga prayle nuong 1606. Ang nagpatigil ay ang mga Igorot sa Pantabangan nuong 1601. Lupain ito ng mga Ilonggot at mga Gaddang na, tulad sa mga Igorot, ay mga mabangis na mandirigma at pugot-ulo. Sila, lalo na ang mga Ilonggot, ang humadlang sa pagpasok ng mga Español sa Caraballo hanggang nuong 1705.