Noong nagdaang taon, si Propesor Nur Misuari, isang dating propesor ng Unibersidad ng Pilipinas na ngayon ay isa nang lider ng Moro National Liberation Front (MNLF), ay nagpadala ng isang petisyon sa Sekretarya-heneral ng United Nations na si Honorable Kofi Annan at sa Ispesyal na Komite ng U.N. sa Dekolonisasyon, para sa kanilang hinihinging pagsasarili ng Mindanao upang ito’y tawagin nang “Bangsamoro Republic”. Nais na umano nanilang maibalik ang kanilang pagsasarili at kanilag kalayaan mula sa ipinagkakait ng Pilipinas na mga karapatan sa mga tao ng Bangsamoro sa parehong politikal at sibil.
Higit pa dito, nais nilang iparating na ang “Republika ng Bangsamoro” ay hindi kailanman nasailalim sa kolonisasyon ng Espanya. Sa katunayan ang Espanya ang unang tumawag sa kanila ng pangalang “Moro”, Isang patunay na talaga nga namang hiwalay ang pagtrato sa kanila ng mga Espanyol mula sa mga Pilipinong nagpasakop.
Ang pangalang Moro ay ang pangalang tinatawag ng mga Espanyol sa kanilang mga kalabang muslim na nakatira sa Morocco at ito na rin ang tinawag nila sa mga muslim na lumalaban sa kanilang kapangyarihan dito sa Pilipinas. Ang kanilang taguring Bangsamoro ay nangangahulugang “Bansa ng mga Muslim”.
Sa pagkakabuo ng Bangsamoro Republic, ipinipakita ng mga Muslim ang labang matagal na nilang nasimulan magmula pa noong pagdating ng mga Espanyol: Ang kanilang paglaban para sa kalayaan, karapatan at pagasasarili. Malayo sa pagdidikta ng mga taong hindi naiintindihan ang kanilang kultura at paniniwala. Dahil naniniwala silang sa pamamagitan ng kalayaan mula sa Republika ng Pilipinas, makakamit nila ang mga layunin na nais nilang makamit.
Nais naming iparating na noong panahon ng kolonyalisasyon, hindi lamang mga Espanyol na mananakop ang nagpupumilit silang matugis ngunit pati na rin ang mga kapwa nila Pilipino na yinakap ang Kristiyanismo at naging sunud-sunuran sa mga sinasabi ng Espanya. Kaya masasabi naming ang laban ng mga Moro sa kolonyalisasyon ay hindi lamang laban sa mga dayuhan ngunit pati na rin sa kanilang mga kababayang tumulong upang sila’y tugisin.
Isang laban na nagpapatuloy hanggang ngayon.
8/16/2008
Republika ng Bangsamoro at ang Laban ng mga Muslim
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 reaksyon:
Post a Comment