CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

9/14/2008

Kung Hindi si Jose Rizal Naging Jose Rizal at Ikaw ang Naging Jose Rizal, Susuportahan Mo Ba ang Rebolusyon?

[Bago ko simulan ang aking pagtalakay tugkol sa aking sagot sa tanong na iyan, humihingi ako ng paumanhin sa aking mga ka-grupo lalong lalo na kay Paulo na siyang naglaan ng panahon upang iwasto ang maling blog entry ko noon. Salamat sa pagwasto at pangakong magiging mas maingat na sa susunod.]

Hindi natin maipagkakaila na hindi sumang-ayon noon si Dr. Jose Rizal sa rebolusyon laban sa España. Gusto kasi ni Rizal na magkaroon ng reporma sa pamahalaang Kastila at makamit ito sa isang mapayapang pamamaraan. Gusto ni Rizal, at kasama na rin ng mga ibang illustrado na maging probinsya ng España. Kung pagsasama-samahin ng aming pangkat ang aming katalinuhan upang mapantayan ang henyo ni Jose Rizal, at kami, bilang pangkat ay naging siya, susuportahan namin ang rebolusyon.

Bakit naman?

Ito ay dahil sa aming pananaw, malabong maipatupad ang mga reporma dahil sa dalawang dahilan. Una, dahil ang bawat kilos na gawin ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagbabago sa pamamahala ay nakikita ng mga Kastila bilang isang mapanganib na hamon sa kanilang kapangyarihan. Dahil dito, makakalikha lamang ito ng mas malalang pahirap, hindi lamang sa mga illustrado, kundi pati na rin sa mga ordinaryong Pilipino. At wala talagang balak ang España na isama ang Pilipinas bilang isang probinsya nito at hindi lamang isang hamak na kolonya nito. Dahil dito. susuportahan namin ang rebolusyon sapagka't naniniwala kaming ito ang pinaka-angkop na paraan upang magkaroon ng kalayaan dahil kahit nagsusulong ng reporma sa mapayapang pamamaraan ay hindi pa rin ito binibigyang pansin ng mga Kastila. Para sa amin, sobra na ang pagpapahirap sa mga Pilipino na nagtagal na ng higit tatlong daang taon. Dapat na nating bawiin ang dapat ay sa atin. At naniniwala kami, dahil kami ay si Dr. Jose Rizal na isang henyo at tinitingala ng mga tao, ay maghihimok sa mga tao na mag-alsa at magiging mabuting gabay sa rebolusyon upang maging matagumpay ito.

Ikalawa, bilang si Dr. Jose Rizal, susuportahan ko ang rebolusyon dahil karamihan sa mga illustrado ay limitado ang pag-intindi sa masa dulot na rin ng kanilang katayuan sa buhay. Kaya nga pag-aanib ng Pilipinas at España ang gusto nila upang mas magkaroon ng paglahok sa gobyerno at may halong pansariling interes na kung minsan pa nga ay nagdudulot ng alitan sa pagitan ng mga propagandista. At ang pagsusulat pa nila ay Kastila na hindi naman naiintindihan ng masa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit malabong makamit ang reporma. Kaya, rebolusyon ang susuportahan namin bilang si Dr. Jose Rizal dahil dito lamang magkakaroon ng totoong pagkakaisa sa mga Pilipino. Ang pagkakaisa ng mga Pilipino kasi ay importanteng aspetong dapat bigyan ng tuon. Bilang si Jose Rizal na sikat noong unang panahon at pati na rin ngayon, magiging instrumento kami ng pagkakaisa ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas.

Malaki ang impluwensya ni Rizal noong panahon ng mga Kastila sa mga Pilipino at naniniwala kaming siya ang taong nagtataglay ng kakayahang pagkaisahin ang mga Pilipino. Ang pagkakaisang ito ay hindi pa rin masyadong nakikita kahit ngayon. Kaya nga lang ay hindi talaga kami sa Rizal. Ngunit nagpapasalamt pa rin kami ng taos-puso sa mga naitulong ng ating pambansang bayani sa laban para sa kalayaan ng Pilipinas.










Sa.La.Ma.T.

Kung kami ay magiging mga modernong rebolusyonista, kami ay magiging ang rebolusyonistang Sa.La.Ma.T. o ang Samahan Laban sa Maling Paggamit ng Teknolohiya.
Alam nating napaka-rami nang namatay dahil sa kanilang mga ipinaglalaban sa buhay ngayong modernong panahon ngunit sa ating mga nakikita, wala naman talagang napakalaking epektong nagagawa ang mga pagtulo ng dugo kundi ang kasayangan ng buhay na maaari sanang magamit para sa pagtulong sa iba.

Kaya naniniwala kaming kailangan nating gamitin ang modernong paraan upang makamit ang aming inanais... isang mapayapang paraan upang malabanan ang maling status quo at maiahon kung ano ang tama para sa nakararami.
Kami ang mga modernong rebolusyonista ng makabagong Pilipinas. Lumalaban kami hindi sa pamamagitan ng mga bolo at itak ngunit ginagamit namin ang mapayapang paraan upang maibahagi ang aming mga hinaing at maisaayos ang mga nais naming baguhin, dahil kung iisipin hindi talaga gagana kung gagamit kami ng lakas... anim kami laban sa napakaraming baril ng militar siguro hindi kami magtatagal. At kung tutuusin kung magiging masamang ehemplo kami, sino nga ba ang maniniwala na mabuti ang aming pinaglalaban?
Saksi ang aming grupo sa paslawak ng epekto ng teknolohya sa ating bansa at ang pagkalat ng epekto nito sa mga kabataan kaya nais naming maidirektang muli ang bagong henerasyon na iniligaw ng teknolohiyang naaabuso.
Masyado mang malawak ang scope ng aming pangalan, isinisentro namin ang aming nais sa pagpapaalis ng mga computer games sa mga serbisyo ng mga internet cafes. Computer games tulad ngmga DOTA, FlyFF, Counter Strike atbp.

Dahil sa ngayon napakaraming Elementary at High School students ang hooked sa mga computer games na nasa mga internet cafes na naglipana kung saan-saan.

Ang epekto nito? Ito ang iilan:
1. Marami ang mga hindi na pumapasok sa kanilang mga klase. Siguro internet cafe na ang kanilang classroom at sila na ang guro dahil tinuturuan nila kung saan pupunta ang karakter nila. 2. Napaka-rami din na pumapasok man, eh Counter Strike naman ang iniisip... iniimagine nilang ginagamitan nila ng Sniper ang kanilang guro dahil nakaka-antok. Ang iba naman kulang nalang iyon ang isagot dahil halos sa lahat ng kanilang mga bakante eh Flyff ang pinag-uusapan.
3. Marami rin namang sobra ang pagkaadik eh ginagaya ang mga nakikita sa mga kompyuter.
4. Higit sa lahat... napaka sayang ng perang kanilang ginagasto para sa mga larong iyon. Aminin, may ilang kumukupit pa ng pera para lang ma-level-up ang kanilang mga karakter, ang ilan naman, madami ngang perang pwedeng gamtin pero sinasayang lang talaga ito.. napakarami naman kasing pwedeng paggamitan.

Ngunit ano nga ba ang ginagawa ng gobyerno dito? Siguro nga isang mata palang ang bukas nila dahil ang kanilang mga ipinapatupad na mga batas eh ghindi gaano ka-epektibo at hindi naman talaga naaabot ang kanilang nais na maatim. Napakarami ng namang hindi sumusunod sa pagbabawal ng mga minors tuwing oras ng pasok hindi ba? At ang pagpapalayo ng mga Internet Cafe 200m mula sa eskwelahan... oo maganda ngang ilayo ito ngunit epektibo nga rin ba? Siguro natutulungan lang nitong makatakas ang mga estudyante na madalas eh hindi na pumapasok dahil na nga rin mas malayo ang mga computer shops at wala sa kanilang ibang makakakita.

Marahil ay naguguluhan na kayo sa aming mga pinagsasasabi kaya't kung kami ay mga modernong rebolusyonista... ito ang aming mga layunin:

1. Maisaayos ang pag-aaral ng mga estudyante at matanggal ang ahat ng mga distraksyon na nagbibgay ng mga di-kanais nais at mgakarumaldumal na epekto sa modernong henerasyon... Dahil ang libangang tinatawag ay ang nagiging sariling mundo kung saan walang ibang nakakapasok maging ang karunungan.

2. Maitanggal ang mga Online Games sa mga serbisyong ibinibigay ng mga Internet cefes na nagkalat kahit saan tulad ng mga Flyff, Crazy Cart at iba pang nagiging dahilan ng mga nasabing epekto upang maiwasan ang mga patuloy na pagkatuto ng mga kabataan at pagdami ng mga naadik dito.

3. Mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante lalung-lalo na sa elementarya at hayskul sa mga masamang epektong naidudulot ng mga nasabing mga laro.



Paano nga ba?

Kung kami ay magiging modernong rebolusyonista... ito ang aming magiging mga karakter na gagampanan sa aming grupo:

Gobernador Heneral: Clyde
Tagapagsalita: Lourdes
Direktor ng Kagawarang panloob at panlabas: Lando
Kagawarang Pinansiyal: Theo
Mai-mai
Tagapangasiwa: Paulo

Unang Paraan
Alam naming napakalaki ng bansang Pilipinas at batid naming ang paraan upang madaling makarating sa pangkalahatan ang aming mga plano ay ang pagpasok sa gobyerno at ang paggawa ng batas.
Ito ang trabaho ng aming Gobernador Heneral kung saan siya ay gagawa ng isang party-list sa eleksyon upang kung makapasok man, maipahayag na namin ang aming mga hinaing at mga suhestiyon. Kakalap siya ng mga miyembro at mangangampanya dala ang aming ngalan at adhikain.
Sino nga ba ang boboto sa amin? Ang mga magulang na concerned sa kanilang mga anak, ang mga gurong naaapektuhan... napakaraming mga taong alam namin ay susuporta sa aming adhikain.
Kung saka-sakali mang mahalal, ang kauna-unahang gagawin ay ang pagpasang bill na magtitigil sa mga internet cafe na magpalaro ng mga online games sa pamamagitan ng paglalagay ng firewall sa mga units.

Alam naming walang kasiguraduhan ang mund ng eleksyon at kung mahalal man eh matagal din ang hihintayin bago ito maaprubahan... sa mga panahon na ito, hindi nalang kami uupo-upo nalang...

Pangalawang Paraan
Isa sa aming mga layunin na maipaabot sa kabataan ang mga bagay na kailangan nilang malaman, pati na rin sa mga magulang na maaaring naaapektuhan ng ganitog mga bagay. Ang aming Kagawarang Panloob at Panlabas ay naglalayon ng indirektang paraan para mailaganap ang mga impormasyong tulad nito.
Sa pamamagitan ng mga koneksyon, maaari kaming:

1. Maglathala sa Diyaryo at magsulat ng mga kolums paera sa mga magulang at mga kabataan.
2. Magpalabas ng interview sa telebisyon sa pamamagitan ng aming tagapagsalita.
3. At gumawa ng mga patalastas sa radio.

Ang lahat ng ito ay nagpapakita ng mga indirektang aksyon.

Ikatlong paraan
Sa pamamagitan ng aming tagapangasiwa at sa suporta ng kagawarang pinansiyal, maaari kaming magsaayos ng mga sesyon sa bawat paaralan sa aming lokalidad sa pamamagitan ng pagsusulat sa punong-guro ng aming mga layunin ng pagpunta sa kanilang eskwelahan(elementarya at hayskul) .
Maglalagay kami ng mga miyembro sa bawat eskwelahan na magsasaayos ng konferens sa bawat estudyante... planoring hatiin ang bawat klase... ibabahaginamin ang mga naglalaro ng online games at ang mga estudyanteng hindi.
Ang mga estudyanteng naglalaro ay isasailalim sa counselling at ang mga hindi ay magkakaroon ng mga pagtatalakay.

Upang masigurado ang epektong nais naming maatim... gagawa ng mga follow-up na mga sesyon.

note: hindi man napakalawak ang aming magagawan ng ganitong proyekto... sa pamamagitan ng pagkalap ng mga miyembro ay mapapalawak namin ang aming mga lugar na mapupuntahan at dadaminrin ang aming matutulungan.

Sa panahong napakaraming distraksyon ang nararanasan ng ating mga kabataan, panahon na ring maiwasan pa ang patuloy na paglaganap at paglala ng ganotong sitwasyon. Ito ang linalayon ng aming grupo.
Maging totoo man ito, balang araw magpapasalamat sila sa rebolusyonistang Sa.La.Ma.T. sa aming mga magagawa.