[Bago ko simulan ang aking pagtalakay tugkol sa aking sagot sa tanong na iyan, humihingi ako ng paumanhin sa aking mga ka-grupo lalong lalo na kay Paulo na siyang naglaan ng panahon upang iwasto ang maling blog entry ko noon. Salamat sa pagwasto at pangakong magiging mas maingat na sa susunod.]
Hindi natin maipagkakaila na hindi sumang-ayon noon si Dr. Jose Rizal sa rebolusyon laban sa España. Gusto kasi ni Rizal na magkaroon ng reporma sa pamahalaang Kastila at makamit ito sa isang mapayapang pamamaraan. Gusto ni Rizal, at kasama na rin ng mga ibang illustrado na maging probinsya ng España. Kung pagsasama-samahin ng aming pangkat ang aming katalinuhan upang mapantayan ang henyo ni Jose Rizal, at kami, bilang pangkat ay naging siya, susuportahan namin ang rebolusyon.
Bakit naman?
Ito ay dahil sa aming pananaw, malabong maipatupad ang mga reporma dahil sa dalawang dahilan. Una, dahil ang bawat kilos na gawin ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagbabago sa pamamahala ay nakikita ng mga Kastila bilang isang mapanganib na hamon sa kanilang kapangyarihan. Dahil dito, makakalikha lamang ito ng mas malalang pahirap, hindi lamang sa mga illustrado, kundi pati na rin sa mga ordinaryong Pilipino. At wala talagang balak ang España na isama ang Pilipinas bilang isang probinsya nito at hindi lamang isang hamak na kolonya nito. Dahil dito. susuportahan namin ang rebolusyon sapagka't naniniwala kaming ito ang pinaka-angkop na paraan upang magkaroon ng kalayaan dahil kahit nagsusulong ng reporma sa mapayapang pamamaraan ay hindi pa rin ito binibigyang pansin ng mga Kastila. Para sa amin, sobra na ang pagpapahirap sa mga Pilipino na nagtagal na ng higit tatlong daang taon. Dapat na nating bawiin ang dapat ay sa atin. At naniniwala kami, dahil kami ay si Dr. Jose Rizal na isang henyo at tinitingala ng mga tao, ay maghihimok sa mga tao na mag-alsa at magiging mabuting gabay sa rebolusyon upang maging matagumpay ito.
Ikalawa, bilang si Dr. Jose Rizal, susuportahan ko ang rebolusyon dahil karamihan sa mga illustrado ay limitado ang pag-intindi sa masa dulot na rin ng kanilang katayuan sa buhay. Kaya nga pag-aanib ng Pilipinas at España ang gusto nila upang mas magkaroon ng paglahok sa gobyerno at may halong pansariling interes na kung minsan pa nga ay nagdudulot ng alitan sa pagitan ng mga propagandista. At ang pagsusulat pa nila ay Kastila na hindi naman naiintindihan ng masa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit malabong makamit ang reporma. Kaya, rebolusyon ang susuportahan namin bilang si Dr. Jose Rizal dahil dito lamang magkakaroon ng totoong pagkakaisa sa mga Pilipino. Ang pagkakaisa ng mga Pilipino kasi ay importanteng aspetong dapat bigyan ng tuon. Bilang si Jose Rizal na sikat noong unang panahon at pati na rin ngayon, magiging instrumento kami ng pagkakaisa ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas.
Malaki ang impluwensya ni Rizal noong panahon ng mga Kastila sa mga Pilipino at naniniwala kaming siya ang taong nagtataglay ng kakayahang pagkaisahin ang mga Pilipino. Ang pagkakaisang ito ay hindi pa rin masyadong nakikita kahit ngayon. Kaya nga lang ay hindi talaga kami sa Rizal. Ngunit nagpapasalamt pa rin kami ng taos-puso sa mga naitulong ng ating pambansang bayani sa laban para sa kalayaan ng Pilipinas.

1 reaksyon:
Ano man ang talagang dahilan kung bakit hindi nagbigay ng suporta si Rizal kundi mga payo... dinala na niya ito sa kanyang pagkamatay - na walang tuwirang sagot. Subalit ang Kasaysayan ay daluyan ng diwa. Nagiging makabuluhan ang mga pangyayari sa nakaraan dahil naisasabuhay at makahulugan ang mga aral nito sa buhay natin ngayon.
Si Rizal ay si Rizal - praktikal, lohikal, edukado, henyo, at martir.
Subalit, bilang tao meron ding siyang maging pangamba - realistic at pessimistic - o segurista, ang ating national hero.
Minsan sa aking pag-iisip sa kung ano ba talaga ang nais ni RIzal para sa mga Filipino, napagkatuwaan ko na isipin - na hindi sinang-ayunan ni Rizal ang Rebolusyon sapagkat wala pang "damdaming nagbibigkis sa mga Pilipino" - ang damdaming iyon ay uusbong lamang kapag mayroong isang taong mag-aalay ng buhay. Naisip niyang siya iyon.
"Ang isang bayan na nangangailangan ng isang bayani ay hindi kailangang paghandugan ng buhay."
Post a Comment