CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

10/08/2008

Ano ang Masasabi ng mga Tao sa Kasaysayan ng Leyte Provincial Capitol

Habang kami ay nagsisimulang mainip sa kakatingin kayna MacArthur (na naka-shades sa nakaukit na pader) at sa mga nakaukit na larawan, at sa paglibot libot sa lugar, nagawa ng aming grupo na kumuha ng reaksyon mula sa mga taong nadoon sa paligid nang panahong iyon. Isa na dito ang guard ng Provincial Capitol.

Mai-mai: Sir, kamao ka mag-waray 'no? ( Sir alam mong magsalita ng waray? )


Guard: Oo gad.


Mai-mai: So uhm, you know na sir dba na na'ay historical chorva ang place na ito? ( sir, alam mo na bang may historical “something” ang lugar na pinagtatrabahuan mo? )..


Guard: Siyempre, kaso bago pa man ako dito so.....


Mai-mai: uhm, diba sir your a security guard? kanan,...kanan,..uhm, now do yon, contribute sa pagpreserve ng historical chorva ng place? kanang, we know that this place is very historical, so, how do you contribute in preserving it?


Guard: (todo English) uhm, as a security guard, I contribute in preserving the...uhm...place by securing the properties here especially the histrorical properties...


Mai-mai: oo,. how does it feel that you're here?


Guard: Yes I'm proud...to be assigned in the capitol...


Mai-mai: thank you Sir.!!

So far, ito lamang ang pinakamaayos na pag-uusap na aming nagawa, napakaraming tao ang nandoon ngunit ang karamihan ay naiilang sagutin ang mga katanungan ng aming grupo... may isang tumakbo dahil nahihiyang sumagot ng “ano'ng masasabi mo sa pagiging hitorikal ng lugar na ito?”, tumawa pa nung umiwas...ewan namin kung bakit hindi siya nadapa kahit para lang sa ngalan ni Hen. MacArthur...


Mayroon namang isa na maraming sinabing Ingles ngunit ang ibig sabihin lamang ay wala naman talagang napakalaking “impact” ito dahil nasanay nalang siya sa kakatingin kay Lapu-lapu at kaiikot ng kapitolyo.


Sa madaling salita, iba-iba ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kasaysayan ng lugar, mayroong may pakialam, mayroong wala at mayroong wala lang. Ngunit sa katunayan, ang kailangan ng Pilipinas ay yung mga taong kayang magpahalaga sa aral na kasaysayan.



Leyte Provincial Capitol

Lingid sa kaalaman ng napakaraming mamamayan, ang Leyte ay minsang naging saksi sa napakaraming mga napakahalagang pangyayaring naging dahilan ng pagbabago sa buhay ng mga natural na mga Pilipino ngayon.
Hindi man masyadong napapansin sa mga libro ng Kasaysayan, napakalaki ng naging bahagi ng Leyte sa kasaysayan ng Pilipinas... kaya sa pamamagitan ng aming blog entry na ito, nais naming maibahagi sa mga mambabasa ang ganda ng napakahalagang kasaysayang tinatago ng Hilagang Leyte.

Dahil na nga rin sa kakulangan ng aming panahon, aming ipakikilala sa inyo ang ganda ng
Leyte Provincial Capitol.
Hindi lamang ang gandang panlabas ngunit pati na rin ang yaman ng kasaysayang ikinukubli nito.

Nasaan ang Leyte Provincial Capitol?
Ang Leyte Capitol ay nasa Kalye Senator Eñage na nasa tapat ng Unibersidad ng Pilipinas dito sa Tacloban. Sa kasalukuyan, ito ay ang lugar ng pamahalaang provincial dito sa Leyte (seat of the Provincial Gpovernment). Binuo noong 1907, ito ay naging lugar kung saan itinayo ang kaunaunahang Commonwealth Government ng Pilipinas sa pagbabalik nila Sergio Osmeña at Heneral Mac Arthur mula Amerikano.

Sa unang isip, nagpasya ang aming grupo na i-feature ang Leyte Capitol dahil sa may koneksyon ito sa pagkakabuo ng pamahalaang Pilipino.

Ang Kapitolyo at ang Kasaysayan

Kung ating maaalala, umalis si Heneral Mac Arthur ng Pilipinas upang humingi ng karagdagang tulong upang tuluyang mapalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapones, na noong panahong iyon ay nagtagumpay sa kanilang giyera laban sa puwersa ng mga amerikano sa Bataan.


Matapos matalo ang USAFFE forces, umalis ang Heneral kasama sina dating Presidente Sergio Osmeña at dating Presidenteng Manuel Quezon papuntang Amerika.


Dala ang pangakong: " I shall return.", sila'y nagbalik sa Pilipinas noong ika-20 ng Oktubre, 1944 at pinalaya ang Pilipinas sa pamamagitan ng isang labanang nagpatalo sa mga Hapones.


Noong malaya na ang Pilipinas, itinayo na ang Commonwealth Government upang magkaroon ng sentralisadong Gobyerno ang Pilipinas sa tulong ng Amerika.

At ang lugar kung saan unang naitatag ang Commonwealth ay wala nang iba kundi sa Leyte Provincial Capitol! Ito nagsilbing tahanan ng Gobyerno ng Pilipinas mula ika-23 ng Oktubre, 1994 hanggang ika-27 ng Pebrero, 1945.

Sa madaling sabi, Ang Leyte Capitol ay ang naging dating "Malacañang." (Hindi ba nakakatuwa at nakabibigla? Isipin mo nalang ang kahalagahan ng lugar na ito, lalo na noong panahon ng mga Amerikano... na-iimagine pa namin sila Mac Arthur na naglalakad-lakad upang magpahangin sa labas ng Kapitolyo).


Ang Kapitolyo Ngayon





Hindi kagaya noon, ang Probinsyal na Gobyerno na lamang ang namamahala sa nasabing Kapitolyo. Makikita sa harapan ng istruktura ang mga bagay na agpapaalala sa kada dumadaan ng kasaysayan tulad ng mga istatwa nila Lapu-lapu at mga inukit na mga larawan.


Makikita sa larawang ito ang isang inskripsyong pinaka-iingatan ng mga namamahala ng Kapitolyo, nakalagay dito ang maikling deskripsyon kung ano ang naiambag ng lugar sa Kasaysayan ng Pilipinas.


Sa kasalukuyan, ito ay nakalagay sa harapan ng Kapitolyo... handang magpaalala sa mga bumibisita sa lugar:





Sa mga bumibisita, imposibleng hindi nila makita ang dalawang napakalalaking mga nakaukit na larawan sa dalawang ding-ding ng harapan ng Kapitolyo.. wala man ang mga ito sa orihinal na istruktura, idinagdag ito upang mas madaling maipahayag sa mga tao ang kasaysayan ng lugar.



Sa larawang ito, makikita ang pagdiriwang ng unang misa sa Pilipinas sa Limasawa:





Ito ang hagdan patungong taas ng Kapitolyo. Isipin mo nalang sila Dating Presidenteng Sergio Osmeña na naglalakad sa hagdang iyan... napakamakasaysayan nga naman. Iyan kami sa aming daan patungong itaas:



Sa kasalukuyan, ginawan nila ng isang museo ang ikalawang palapag, maliban sa pagiging opisina ng Gobernador at iba pang mga Opisyal:




Sa kabuuan, hanggang diyan lamang ang aming nakita sa pinagpipitagang Kapitolyo ng Leyte. Limitado man ang kakayanan naming magbahgi ng nasasabing pruweba ng kasaysayan at ng pagpreserba nito ng mga nanunungkulan, marahil ay mas mabuting bisitahin natin ang Kapitolyong harap-harapan (isama na ang napakarami pang mga makasaysayang lugar na naririto sa Leyte) at alaahanin ang kahalagahang nagawa ng mga ito sa pagtatatag ng pamahalaang Pilipino at ng kasarinlan ng Pilipinas.


(Ang aming mga panayam sa mga taong aming naabutang naglalakad-lakad sa lugar at sa mga tagabantay ng paligid ay mababasa post bago ito...)

9/14/2008

Kung Hindi si Jose Rizal Naging Jose Rizal at Ikaw ang Naging Jose Rizal, Susuportahan Mo Ba ang Rebolusyon?

[Bago ko simulan ang aking pagtalakay tugkol sa aking sagot sa tanong na iyan, humihingi ako ng paumanhin sa aking mga ka-grupo lalong lalo na kay Paulo na siyang naglaan ng panahon upang iwasto ang maling blog entry ko noon. Salamat sa pagwasto at pangakong magiging mas maingat na sa susunod.]

Hindi natin maipagkakaila na hindi sumang-ayon noon si Dr. Jose Rizal sa rebolusyon laban sa España. Gusto kasi ni Rizal na magkaroon ng reporma sa pamahalaang Kastila at makamit ito sa isang mapayapang pamamaraan. Gusto ni Rizal, at kasama na rin ng mga ibang illustrado na maging probinsya ng España. Kung pagsasama-samahin ng aming pangkat ang aming katalinuhan upang mapantayan ang henyo ni Jose Rizal, at kami, bilang pangkat ay naging siya, susuportahan namin ang rebolusyon.

Bakit naman?

Ito ay dahil sa aming pananaw, malabong maipatupad ang mga reporma dahil sa dalawang dahilan. Una, dahil ang bawat kilos na gawin ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagbabago sa pamamahala ay nakikita ng mga Kastila bilang isang mapanganib na hamon sa kanilang kapangyarihan. Dahil dito, makakalikha lamang ito ng mas malalang pahirap, hindi lamang sa mga illustrado, kundi pati na rin sa mga ordinaryong Pilipino. At wala talagang balak ang España na isama ang Pilipinas bilang isang probinsya nito at hindi lamang isang hamak na kolonya nito. Dahil dito. susuportahan namin ang rebolusyon sapagka't naniniwala kaming ito ang pinaka-angkop na paraan upang magkaroon ng kalayaan dahil kahit nagsusulong ng reporma sa mapayapang pamamaraan ay hindi pa rin ito binibigyang pansin ng mga Kastila. Para sa amin, sobra na ang pagpapahirap sa mga Pilipino na nagtagal na ng higit tatlong daang taon. Dapat na nating bawiin ang dapat ay sa atin. At naniniwala kami, dahil kami ay si Dr. Jose Rizal na isang henyo at tinitingala ng mga tao, ay maghihimok sa mga tao na mag-alsa at magiging mabuting gabay sa rebolusyon upang maging matagumpay ito.

Ikalawa, bilang si Dr. Jose Rizal, susuportahan ko ang rebolusyon dahil karamihan sa mga illustrado ay limitado ang pag-intindi sa masa dulot na rin ng kanilang katayuan sa buhay. Kaya nga pag-aanib ng Pilipinas at España ang gusto nila upang mas magkaroon ng paglahok sa gobyerno at may halong pansariling interes na kung minsan pa nga ay nagdudulot ng alitan sa pagitan ng mga propagandista. At ang pagsusulat pa nila ay Kastila na hindi naman naiintindihan ng masa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit malabong makamit ang reporma. Kaya, rebolusyon ang susuportahan namin bilang si Dr. Jose Rizal dahil dito lamang magkakaroon ng totoong pagkakaisa sa mga Pilipino. Ang pagkakaisa ng mga Pilipino kasi ay importanteng aspetong dapat bigyan ng tuon. Bilang si Jose Rizal na sikat noong unang panahon at pati na rin ngayon, magiging instrumento kami ng pagkakaisa ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas.

Malaki ang impluwensya ni Rizal noong panahon ng mga Kastila sa mga Pilipino at naniniwala kaming siya ang taong nagtataglay ng kakayahang pagkaisahin ang mga Pilipino. Ang pagkakaisang ito ay hindi pa rin masyadong nakikita kahit ngayon. Kaya nga lang ay hindi talaga kami sa Rizal. Ngunit nagpapasalamt pa rin kami ng taos-puso sa mga naitulong ng ating pambansang bayani sa laban para sa kalayaan ng Pilipinas.










Sa.La.Ma.T.

Kung kami ay magiging mga modernong rebolusyonista, kami ay magiging ang rebolusyonistang Sa.La.Ma.T. o ang Samahan Laban sa Maling Paggamit ng Teknolohiya.
Alam nating napaka-rami nang namatay dahil sa kanilang mga ipinaglalaban sa buhay ngayong modernong panahon ngunit sa ating mga nakikita, wala naman talagang napakalaking epektong nagagawa ang mga pagtulo ng dugo kundi ang kasayangan ng buhay na maaari sanang magamit para sa pagtulong sa iba.

Kaya naniniwala kaming kailangan nating gamitin ang modernong paraan upang makamit ang aming inanais... isang mapayapang paraan upang malabanan ang maling status quo at maiahon kung ano ang tama para sa nakararami.
Kami ang mga modernong rebolusyonista ng makabagong Pilipinas. Lumalaban kami hindi sa pamamagitan ng mga bolo at itak ngunit ginagamit namin ang mapayapang paraan upang maibahagi ang aming mga hinaing at maisaayos ang mga nais naming baguhin, dahil kung iisipin hindi talaga gagana kung gagamit kami ng lakas... anim kami laban sa napakaraming baril ng militar siguro hindi kami magtatagal. At kung tutuusin kung magiging masamang ehemplo kami, sino nga ba ang maniniwala na mabuti ang aming pinaglalaban?
Saksi ang aming grupo sa paslawak ng epekto ng teknolohya sa ating bansa at ang pagkalat ng epekto nito sa mga kabataan kaya nais naming maidirektang muli ang bagong henerasyon na iniligaw ng teknolohiyang naaabuso.
Masyado mang malawak ang scope ng aming pangalan, isinisentro namin ang aming nais sa pagpapaalis ng mga computer games sa mga serbisyo ng mga internet cafes. Computer games tulad ngmga DOTA, FlyFF, Counter Strike atbp.

Dahil sa ngayon napakaraming Elementary at High School students ang hooked sa mga computer games na nasa mga internet cafes na naglipana kung saan-saan.

Ang epekto nito? Ito ang iilan:
1. Marami ang mga hindi na pumapasok sa kanilang mga klase. Siguro internet cafe na ang kanilang classroom at sila na ang guro dahil tinuturuan nila kung saan pupunta ang karakter nila. 2. Napaka-rami din na pumapasok man, eh Counter Strike naman ang iniisip... iniimagine nilang ginagamitan nila ng Sniper ang kanilang guro dahil nakaka-antok. Ang iba naman kulang nalang iyon ang isagot dahil halos sa lahat ng kanilang mga bakante eh Flyff ang pinag-uusapan.
3. Marami rin namang sobra ang pagkaadik eh ginagaya ang mga nakikita sa mga kompyuter.
4. Higit sa lahat... napaka sayang ng perang kanilang ginagasto para sa mga larong iyon. Aminin, may ilang kumukupit pa ng pera para lang ma-level-up ang kanilang mga karakter, ang ilan naman, madami ngang perang pwedeng gamtin pero sinasayang lang talaga ito.. napakarami naman kasing pwedeng paggamitan.

Ngunit ano nga ba ang ginagawa ng gobyerno dito? Siguro nga isang mata palang ang bukas nila dahil ang kanilang mga ipinapatupad na mga batas eh ghindi gaano ka-epektibo at hindi naman talaga naaabot ang kanilang nais na maatim. Napakarami ng namang hindi sumusunod sa pagbabawal ng mga minors tuwing oras ng pasok hindi ba? At ang pagpapalayo ng mga Internet Cafe 200m mula sa eskwelahan... oo maganda ngang ilayo ito ngunit epektibo nga rin ba? Siguro natutulungan lang nitong makatakas ang mga estudyante na madalas eh hindi na pumapasok dahil na nga rin mas malayo ang mga computer shops at wala sa kanilang ibang makakakita.

Marahil ay naguguluhan na kayo sa aming mga pinagsasasabi kaya't kung kami ay mga modernong rebolusyonista... ito ang aming mga layunin:

1. Maisaayos ang pag-aaral ng mga estudyante at matanggal ang ahat ng mga distraksyon na nagbibgay ng mga di-kanais nais at mgakarumaldumal na epekto sa modernong henerasyon... Dahil ang libangang tinatawag ay ang nagiging sariling mundo kung saan walang ibang nakakapasok maging ang karunungan.

2. Maitanggal ang mga Online Games sa mga serbisyong ibinibigay ng mga Internet cefes na nagkalat kahit saan tulad ng mga Flyff, Crazy Cart at iba pang nagiging dahilan ng mga nasabing epekto upang maiwasan ang mga patuloy na pagkatuto ng mga kabataan at pagdami ng mga naadik dito.

3. Mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante lalung-lalo na sa elementarya at hayskul sa mga masamang epektong naidudulot ng mga nasabing mga laro.



Paano nga ba?

Kung kami ay magiging modernong rebolusyonista... ito ang aming magiging mga karakter na gagampanan sa aming grupo:

Gobernador Heneral: Clyde
Tagapagsalita: Lourdes
Direktor ng Kagawarang panloob at panlabas: Lando
Kagawarang Pinansiyal: Theo
Mai-mai
Tagapangasiwa: Paulo

Unang Paraan
Alam naming napakalaki ng bansang Pilipinas at batid naming ang paraan upang madaling makarating sa pangkalahatan ang aming mga plano ay ang pagpasok sa gobyerno at ang paggawa ng batas.
Ito ang trabaho ng aming Gobernador Heneral kung saan siya ay gagawa ng isang party-list sa eleksyon upang kung makapasok man, maipahayag na namin ang aming mga hinaing at mga suhestiyon. Kakalap siya ng mga miyembro at mangangampanya dala ang aming ngalan at adhikain.
Sino nga ba ang boboto sa amin? Ang mga magulang na concerned sa kanilang mga anak, ang mga gurong naaapektuhan... napakaraming mga taong alam namin ay susuporta sa aming adhikain.
Kung saka-sakali mang mahalal, ang kauna-unahang gagawin ay ang pagpasang bill na magtitigil sa mga internet cafe na magpalaro ng mga online games sa pamamagitan ng paglalagay ng firewall sa mga units.

Alam naming walang kasiguraduhan ang mund ng eleksyon at kung mahalal man eh matagal din ang hihintayin bago ito maaprubahan... sa mga panahon na ito, hindi nalang kami uupo-upo nalang...

Pangalawang Paraan
Isa sa aming mga layunin na maipaabot sa kabataan ang mga bagay na kailangan nilang malaman, pati na rin sa mga magulang na maaaring naaapektuhan ng ganitog mga bagay. Ang aming Kagawarang Panloob at Panlabas ay naglalayon ng indirektang paraan para mailaganap ang mga impormasyong tulad nito.
Sa pamamagitan ng mga koneksyon, maaari kaming:

1. Maglathala sa Diyaryo at magsulat ng mga kolums paera sa mga magulang at mga kabataan.
2. Magpalabas ng interview sa telebisyon sa pamamagitan ng aming tagapagsalita.
3. At gumawa ng mga patalastas sa radio.

Ang lahat ng ito ay nagpapakita ng mga indirektang aksyon.

Ikatlong paraan
Sa pamamagitan ng aming tagapangasiwa at sa suporta ng kagawarang pinansiyal, maaari kaming magsaayos ng mga sesyon sa bawat paaralan sa aming lokalidad sa pamamagitan ng pagsusulat sa punong-guro ng aming mga layunin ng pagpunta sa kanilang eskwelahan(elementarya at hayskul) .
Maglalagay kami ng mga miyembro sa bawat eskwelahan na magsasaayos ng konferens sa bawat estudyante... planoring hatiin ang bawat klase... ibabahaginamin ang mga naglalaro ng online games at ang mga estudyanteng hindi.
Ang mga estudyanteng naglalaro ay isasailalim sa counselling at ang mga hindi ay magkakaroon ng mga pagtatalakay.

Upang masigurado ang epektong nais naming maatim... gagawa ng mga follow-up na mga sesyon.

note: hindi man napakalawak ang aming magagawan ng ganitong proyekto... sa pamamagitan ng pagkalap ng mga miyembro ay mapapalawak namin ang aming mga lugar na mapupuntahan at dadaminrin ang aming matutulungan.

Sa panahong napakaraming distraksyon ang nararanasan ng ating mga kabataan, panahon na ring maiwasan pa ang patuloy na paglaganap at paglala ng ganotong sitwasyon. Ito ang linalayon ng aming grupo.
Maging totoo man ito, balang araw magpapasalamat sila sa rebolusyonistang Sa.La.Ma.T. sa aming mga magagawa.









8/17/2008

Mga Rebolusyon Ng Mga Pilipino

Nang masakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, hinawakan nila sa leeg ang mga Pilipino. Nagging makapangyarihan ang mga Espanyol ng 300 taon. Ang labis na kapangyarihang ito ay nauwi naman sa pansasamantala at pang-aabuso. Dahil naman sa mga pang-aabusong ito ay napukaw ang mga Pilipino. Maraming mga rebolusyon ang ginawa ng mga Indyo laban sa Espanya. Hindi bababa sa 100 na rebolusyon ang ipinaglaban ng mga Pilipino.
Isa sa mga rebolusyon ito ay ang pag-aaklas ng mga Igorot:

LABAN NG MGA IGOROT !

Ang hayag sa mga kasaysayan na aklasan ng mga Igorot nuong 1601 ay hindi gawa-gawa ng mga Igorot, ang tawag ngayon sa mga taga-Cordillera. At hindi sa bulubundukin ng Cordillera nag-aklasan kundi sa bundukin ng Caraballo Sur - sa timog ng Pantabangan, ang magubat na lawa na tinawag dating kalakihang Pampanga na ngayon ay isang nayon sa lalawigan ng Nueva Ecija. Mali rin ang sabihing aklasan ang naganap sapagkat hindi pa sakop ang mga tagaruon. Katunayan, ang patayan ay pagharang sa pagpasok ng mga Español sa Caraballo. Hindi na matunton kung sino ang nagparatang at kailan sinisi ang aklasan sa mga Igorot, subalit nuon, ang tawag sa mga tagaruon ay Tinggian mula sa tinggi o mataas sa wikang Malay at, tulad sa Igorot, ibig sabihin ay tagabundok. Mula kailan lamang, itinangi ang Tinggian sa mga Itneg, ang mga taga-ilog Tineg sa lalawigan ng Abra. Sa kabilang dako, hanggang nuong bandang 1790 - may 30 taon pagkatapos ng himagsik ni Diego Silang - ang tawag ng mga taga-Ilocos sa lahat ng tao sa bandang timog nila, pati sa mga taga-Pangasinan at mga taga-Caraballo, ay Zambal.Itong pangalan ang ginamit ng mga pinuno at mga prayle sa Manila nang pag-usapannuong bandang 1600, may 30 taon pagkapasok ng Español sa Pilipinas, ang patuloy na pagtambang at pagpugot ng mga Zambal sa mga prayle at katolikong Pilipino na patungo o nanggaling sa Ilocos. Winawasak pa ang mga reduccion, mga baranggay na itinatag ng mga prayle upang tahanan ng mga Pilipinong katoliko na, at pinapatay o inaalipin lahat ng matagpuan duon.




Nuong Deciembre 1606, sumang-ayon ang mga prayle sa napagkasunduan ng mga pinunong Español, at nanawagan sila sa mga taga-Pampanga at Ilocos na sugurin ang mga Zambal at gawing alipin ang lahat ng mabihag nila - bagay na ipinagbawal ng hari ng España at ng Consejo de las Indias sa Madrid. Inulit nuong 1609 ng hari at consejo ang pagbawal gawing alipin o mag-ari ng alipin ang sinuman sa mga sakop ng España. Napigil ang patakaran ng pag-alipin at pagsalanta sa mga Zambal subalit nuong bago pa inulit ang pagbawal. Katunayan, bago pa nanawagan ang mga prayle nuong 1606. Ang nagpatigil ay ang mga Igorot sa Pantabangan nuong 1601. Lupain ito ng mga Ilonggot at mga Gaddang na, tulad sa mga Igorot, ay mga mabangis na mandirigma at pugot-ulo. Sila, lalo na ang mga Ilonggot, ang humadlang sa pagpasok ng mga Español sa Caraballo hanggang nuong 1705.





8/16/2008

Noon o Ngayon???

Binabati ko muna, ng Magandang Araw ang lahat ng nag- effort na basahin itong blog. At saka Salamat na rin! Tungkol ito sa kung kelan mo gugustuhing mabuhay, ngayon ba o noong panahon ng Kastila???
Tinatanong pa ba yan? I mean, Haller??? Syempre ngayon ko gusto kung mabuhay, hindi noong panahon ng Kastila. Bakit? Ano bang magandang mangyayari sa akin sa panahon ng mga Espanyol? Pagbabayarin lang nila ako ng kung anu anong buwis tapos pagtratrabahuin ng walang bayad! Sino bang magkakagusto dun? Isa pa, hindi ako makapag-aaral kasi wala akong dugong Espanyol. At kung meron man, hindi pantay ang pagtrato ng mga guro sa mga estudyante, papahirapan lang nila ako, hanggang sa hindi ko na gugustuhing pumasok. Wala pa akong natutunan, bababa pa ang moral ko bilang tao. Tapos meron pang mga guardia civil, na abusado sa posisyon, at mahilig manakit ng mga Pilipino. O, carry niyo yun? Syempre hindi!
Ngayon, kahit pa talamak na ang corruption sa Pilipinas, kahit pa lahat ng Pilipino naghihirap, lahat halos ng Pilipino gustong mag-abroad, kabi-kabila ang mga rally, grabe na ang polusyon, at ang laman ng balita puro pagmahal ng presyo ng mga bilihin, dito ko pa rin gusto. Kasi ngayon, malaya ang mga Pilipino, pwedeng mong gawin lahat ng gusto mo, basta ba, di mo natatapakan ang ibang tao. Ngayon may libreng edukasyon, serbisyong medikal at kung anu-ano pang libre. Mahirap ka man ngayon, dahil na rin yun sa sariling mong katamaran. Marami yatang mapagkakakitaan dito sa Pilipinas, basta ba magsikap ka lang. Ngayon walang mga Espanyol na magmamaliit at aapi sa pagkatao mo. Ngayon ang mga babae, pwedeng pwede ng makipagsabayan sa mga lalaki, di tulad noon, sa bahay at simbahan lang sila.
Pero nasa sayo lang naman yun kung mas gusto mo pa rin noon, sa kabila ng lahat ng sinabi ko. Basta mahal natin ang Pilipinas kahit ano pa ito.

- Waray - (Ilagay ko daw pangalan ko, just in case....)

Kristiyanismo... Paraan ng Pananakop


Kung susuriin, napakaraming paraan ang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop ng ating bansa ngunit habang kami ay nagmumuni-muni n gaming grupo sa loob ng malamig na silid (habang naghihintay ng Math), aming napagpasyahan matapos ang pagkahabahabang pag-iisip, na ang pinaka-epektibong polisiya na ipinatupad ng Espanya upang tayo ay maskop ay ang pagpapatupad ng Kristiyanismo bilang Relihiyon ng Bansa.

Bakit nga ba?

Mga mahal naming mga magbabasa, siguro kung hindi dahil sa papel na ginampanan ng Kristiyanismo, hindi magiging matagumpay ang pananakop ng Espanya sa ating Bansa (sa ganitong konteksto, siguro tayo’y mga Muslim). Dahil ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa aming palagay ay ang isa sa mga pinaka-simpleng paraan upang mapasunod ang mga sinaunang Pilipino at para kanilang isiping may magandang layunin ang mga dayuhang dumating.

Isipin mo nalang… kung bigla nalang susulpot sila Magellan mula sa dagat at kikidnapin sila Lapu-lapu, ano kaya ang magiging reaksyon ng Cebu at ng buong Pilipinas na may mga dayuhang pumunta para manggulo? Marahil ay agad silang palalayasin ng isla at humaba pa sana ang buhay ni Magellan. Ngunit iba ang ginawa ng mga mananakop uapang ang Pilipinas ay mapasailalim, at ito ang pagpapakilala ng isang bagong paniniwala para sa mga katutubo.

Kaya sa aming palagay, ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay ang pinakamabisang paraan na kanilang ginawa.

Ngunit hindi man ito nagging epektibo sa buong Pilipinas (kung iisipin ang nagging kondisyon ng mga Moro at ng mga “Cultural Minorities” noong panahong iyon), ito parin ay nagkaroon ng malaking epekto sa pagbuo ng Pilipinas na meron tayo ngayon.

Sana’y maibahagi naming na ang artiulong ito ay naaayon lamang sa aming palagay.

Republika ng Bangsamoro at ang Laban ng mga Muslim

Noong nagdaang taon, si Propesor Nur Misuari, isang dating propesor ng Unibersidad ng Pilipinas na ngayon ay isa nang lider ng Moro National Liberation Front (MNLF), ay nagpadala ng isang petisyon sa Sekretarya-heneral ng United Nations na si Honorable Kofi Annan at sa Ispesyal na Komite ng U.N. sa Dekolonisasyon, para sa kanilang hinihinging pagsasarili ng Mindanao upang ito’y tawagin nang “Bangsamoro Republic”. Nais na umano nanilang maibalik ang kanilang pagsasarili at kanilag kalayaan mula sa ipinagkakait ng Pilipinas na mga karapatan sa mga tao ng Bangsamoro sa parehong politikal at sibil.
Higit pa dito, nais nilang iparating na ang “Republika ng Bangsamoro” ay hindi kailanman nasailalim sa kolonisasyon ng Espanya. Sa katunayan ang Espanya ang unang tumawag sa kanila ng pangalang “Moro”, Isang patunay na talaga nga namang hiwalay ang pagtrato sa kanila ng mga Espanyol mula sa mga Pilipinong nagpasakop.
Ang pangalang Moro ay ang pangalang tinatawag ng mga Espanyol sa kanilang mga kalabang muslim na nakatira sa Morocco at ito na rin ang tinawag nila sa mga muslim na lumalaban sa kanilang kapangyarihan dito sa Pilipinas. Ang kanilang taguring Bangsamoro ay nangangahulugang “Bansa ng mga Muslim”.

Sa pagkakabuo ng Bangsamoro Republic, ipinipakita ng mga Muslim ang labang matagal na nilang nasimulan magmula pa noong pagdating ng mga Espanyol: Ang kanilang paglaban para sa kalayaan, karapatan at pagasasarili. Malayo sa pagdidikta ng mga taong hindi naiintindihan ang kanilang kultura at paniniwala. Dahil naniniwala silang sa pamamagitan ng kalayaan mula sa Republika ng Pilipinas, makakamit nila ang mga layunin na nais nilang makamit.

Nais naming iparating na noong panahon ng kolonyalisasyon, hindi lamang mga Espanyol na mananakop ang nagpupumilit silang matugis ngunit pati na rin ang mga kapwa nila Pilipino na yinakap ang Kristiyanismo at naging sunud-sunuran sa mga sinasabi ng Espanya. Kaya masasabi naming ang laban ng mga Moro sa kolonyalisasyon ay hindi lamang laban sa mga dayuhan ngunit pati na rin sa kanilang mga kababayang tumulong upang sila’y tugisin.
Isang laban na nagpapatuloy hanggang ngayon.

7/29/2008

Ang mga Bontoc Ifugao sa Mountain Province


Ang Pilipinas, na binubuo ng daan-daang mga pulo ay isa ring tahanan sa napakaraming mga tribo na minsay inukupa ang buong Pilipinas sa iba't-ibang sulok nito, sa kagubatan, tabing-dagat at sa nga lugar na naaayon sa kanilang pangangailangan.
Ngunit ito ang sitwasyon ng bansa bago dumating ang kolonisasyon, dahil sa urbanisasyon ng Pilipinas, maraming mga tribo na siyang mga orihinal na mga tao sa Pilipinas ang napaalis sa kanilang mga tirahan at ang iba naman ay tuluyang naglaho.
Ilan sa mga maraming tribo ng Pilipinas na nakisabay sa urbanisasyong dala ng mga mananakop ay ang Bontoc Ifugao na nanirahan sa Bulubunduking Probinsya (Mountain Province) mula pa noon. Sila ay tribong ang pangunahing gawain ay pangangaso upang makakain, marahil dahil silay nasa kabundukan at ang pangangaso ay nakita nilang solusyon sa kanilang pangangailangan.
Isa sa mga pinaka-orihinal na katangian ng tribong ito ay ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang pinagmulan, maipapakita ito sa kanilang tradisyong pinahahalagahan hanggang ngayon na kapag nanganganak ang asawa ng Bontoc Igorot, ang ama ay ibinabaon ang placenta ng bagong panganak na bata sa ilalim ng kanilang bahay. Dito daw maipapakita kahit saan pa sila mapunta, may mababalikan silang lugar kung saan ang kanilang pinanggalingan at iyon ang kanilang mga magulang sa kanilang tahanan.
Ang mga tattoo noong panahon ay ibinibigay lamang sa mga pangunahing mangangaso ngunit ngayon ito na lamang ay mga palamuti sa katawan ng mga modernong bontoc marahil dahil kumapit na sila sa modernong panahon na hindi na sila umaasa sa pangangaso upang mabuhay.
Sa kanilang pananamit, ang babae at ang mga lalake ay walang damit na pang-ibabaw noon ngunit ngayon, ang mga Bontoc ay nagsusuot na ng maong na pantalon at t-shirt lalo na kung pumupunta sa siyudad o mga salu-salo. Ito ay nagpapakita na nakikiayaon sa pagbabago ng panahon ang mga Bontoc.
Ngunit ang ganitong pakikiayon ay nagbibigay ng problema sa mga Bontoc. Ito ay dahil nagkakaroon ng hirap ang mga Bontoc sa pagbalanse ng kanilang pagpapanatili ng pagkatao o pagkakakilanlan bilang isang Bontoc habang nakikiayon rin sa modernong pamumuhay at sa pakikisalamuha sa iba't-ibang tao na iba-iba ang kultura.
Upang mapanatili ang kanilang kultura at matutuhang mapahalagahan din ang ibang kultura, ang edukasyon ay kailangan. Ito rin ay upang mawala ang mga panghuhusga agad sa ibang kultura at pagkakaroon ng pagkakaintindihan. At ito ay magbibigay daan sa pagpanatili at pagyaman ng kultura, hindi lamang ng mga Bontoc, kundi na rin ang buong kultura ng Pilipinas .

Isang patunay nito ay ang pagkakasama sa 10 Outstanding Students of the Philippines ni Jhay Sapdoy, isang BS Secondary Education cum laude, na isang estudyanteng kabilang sa mga Bontoc Ifugao. Siya rin ay pinarangalang bilang Student Teacher of the Year ni Dr. Nieves Dacyon, Presidente ng Mountain Province State Polytechnic College (MPSTC), ang institusyon kung saan siya nag-aral ng kolehiyo. Ito lamang ay nagpapatunay na sa edukasyon, kahit sinuman ay puwedeng umangat kung siya ay magsisikap.